GoBear is now part of Finder

Ang artikulong ito ay mayroong mga links sa mga produkto at serbisyo mula sa isa o ilang mga advertisers. Maaari kaming kumita ng kumisyon kapag ikaw ay nag click sa mga links o bumili ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng aming website. Alamin kung paano kami kumikita ng pera.

Paano magbenta ng Smooth Love Potion (SLP)

Masusing gabay kung paano magbenta ng SLP kapalit ng pera o cryptocurrencies.

Binance Cryptocurrency Exchange

Binance Cryptocurrency Exchange logo
  • Buy and sell hundreds of cryptocurrencies
  • Wide range of fiat currencies accepted
  • Features such as staking, margin trading and more
Go to site

Ang Smooth Love Potion (SLP) ay isang native token ng sikat na Axie Infinity blockchain-based gaming platform. Gamit ang NFT ecosystem, maaaring makakuha ng SLP tokens ang mga manlalaro sa pamamagitan ng pagsali sa role-playing game (RPG) at pakikipaglaban ng kanilang mga natatanging NFT characters, na tinatawag ding “Axies”.

Ang Axie Infinity ay malaki ang pagkakahalintulad sa Pokemon system, kung saan maaaring paglabanin ng mga users ang kanilang mga Axies sa iba pang mga computer-generated na kalaban, pati na rin sa mga pets ng ibang mga manlalaro sa iba’t ibang parte ng mundo. Itong mga Axies na ito ay maaaring paramihin ng hanggang pitong (7) beses at mag level up. Ang mga may ari naman ng mga Axies ay maaaring makakuha ng SLP sa pamamagitan ng game progression at sa pagbebenta ng kanilang mga NFT pets, o mga pets na kanilang na-breed.

Ang larong itong ay base sa Ethereum blockchain, at ang SLP ay itinuturing na isang ERC-20 token. Sa pamamagitan ng paglalaro ng game na ito, maaaring makaipon ang mga users nito ng sapat na SLP na maaari nilang ipagpalit sa ibang currency – tulad ng lokal na currency (fiat) o crypto. Mayroong ilang pamamaraan para makamit ito.

Paunawa: Ang impormasyong ito ay hindi dapat ituring na pag-endorso sa cryptocurrency o anumang provider, serbisyo o alok. Ito ay hindi rekomendasyon para makipag palitan ng cryptocurrency.

Saan maaaring magbenta ng Smooth Love Potion (SLP)

Upang makapagbenta ng SLP sa anumang cryptocurrency exchange, kailangan mong ilipat ang iyong mga tokens galing sa iyong Ronin wallet papunta sa MetaMask. Pagkatapos nito, maaari mo nang ilipat ang iyong mga tokens galing sa MetaMask papunta sa kahit anong exchange kung saan nakalista ang SLP para sa pakikipagpalitan o trading.

Suriin ang mga hanay sa baba para sa listahan ng mga exchanges kung saan maaari kang makipagpalitan ng SLP.

Name Product Deposit methods Fiat Currencies Cryptocurrencies
Binance Cryptocurrency Exchange
Bank transfer (ACH)
USD, AUD, GBP, EUR, RUB, TRY, NGN, UAH, PHP, CZK & 20+ more

314
cryptocurrencies

New users earn up to USD $500 in bonus rewards on qualified deposits and trades. Valid till 31 December 2021. T&Cs apply.
Finder Exclusive: Get 10% discount on your fees when signing up through Finder.
Trade an extensive range of reputable coins on this world-renowned exchange, popular for its high liquidity and multi-language support.

US residents: As of September 2019, US-based users can only trade USD on the American dollar onramp of Binance, Binance.US.
UK residents: In addition to normal crypto trading services, Binance offers margin lending. As this is a regulated activity which they are not authorised to offer in the UK, we advise you not to use this service. If you're interested in margin trading, see authorised providers.
Crypto.com App
Credit card, Cryptocurrency, PayPal, TransferWise, SEPA
USD, AUD, CAD, CHF, EUR, GBP, NZD, SGD, JPY, ZAR & 9+ more

156
cryptocurrencies

Buy 100+ cryptocurrencies, earn up to 14.5% p.a. on holdings, pay with your crypto for cashback at stores, get loans and more with this complete crypto-finance platform.
KuCoin Cryptocurrency Exchange
Cryptocurrency, PayPal, Wire transfer, Credit or Debit Card, SEPA
USD, EUR, GBP, RUB, CNY, AUD, KRW, JPY, TRY, VND & 40+ more

458
cryptocurrencies

Finder exclusive: Sign up and use code 1xf56 for one month of VIP 1 benefits. Deposit/transfer more than 0.1 BTC to KuCoin within 7 days of registration for 1 month of VIP 2 benefits. T&Cs apply.
Browse a variety of coin offerings in one of the largest multi-cryptocurrency exchanges and pay in cryptocurrency.
Gemini Cryptocurrency Exchange
Bank transfer (ACH), Debit card, Wire transfer
USD, SGD, HKD, GBP, EUR, CAD, AUD, COP

63
cryptocurrencies

Trade bitcoin, Ethereum and more at a US-based exchange where payments can be made in USD.
FTX Cryptocurrency Exchange
Credit card, Wire transfer, Silvergate Exchange Network (SEN), Signature SIGNET
USD,EUR,GBP,AUD,HKD,SGD,TRY,ZAR,CAD,CHF,BRL

72
cryptocurrencies

Sign up through Finder for a 5% discount on all trading fees. T&Cs apply.
FTX is an exchange built by traders for traders, with a range of derivatives markets such as options and futures with deep leverage, in addition to standard spot markets. Note: Not available for US customers.
loading

Compare up to 4 providers

Paano maglipat ng SLP mula sa Ronin papunta sa MetaMask

Bago mo maibenta ang iyong SLP, kailangan mong ilipat ito mula sa iyong Ronin wallet papunta sa isang MetaMask wallet. Ito ay dahil sa ang Ronin ay isang Ethereum sidechain – ibig sabihin, kailangang bumalik muna ang mga tokens sa Ethereum mainnet bago ito mailipat kung saan man.

Sa ngayon, ang Ronin wallet lamang ang tanging may kakayahang magbalik ng assets papunta sa isang MetaMask wallet.

Mawawala ang iyong mga tokens kapag sinubukan mong ipadala ang mga ito nang diretso sa isang Ethereum address at hindi dumaan sa Ronin papuntang MetaMask.

  1. Gumawa ng MetaMask account. Kung hindi mo pa nagagawa, maaari kang mag download, install at gumawa ng MetaMask account. Maaari mong basahin ang kumpletong gabay sa Metamask para sa karagdagang impormasyon.
  2. Pumunta sa Axie Infinity dashboard. Mag login sa iyong SLP account at puntahan ang Axie Infinity dashboard. Mula dito, i-“sync” ang iyong SLP. Sa pamamagitan nito mailalagay ang iyong mga pondo sa sariling Ronin wallet ng Axie Infinity.
  3. Ilipat ang iyong SLP papunta sa MetaMask. Kapag na-“sync” mo na iyong mga pondo, pumunta ka sa Ronin Bridge, piliin ang “Withdraw” para mailipat ang iyong SLP papunta sa nakakonektang MetaMask wallet.
  4. Ipagpalit ang iyong SLP. Ngayon ay maaari mo nang ilipat ang iyong mga pondo mula sa MetaMask papunta sa isang exchange, gaya ng karaniwang paglipat sa kahit anong Ethereum ERC-20 asset. Kailangan mong humanap ng isang exchange na nagpapalit ng SLP at nagde-deposit ng tokens mula MetaMask papunta sa deposit address. Kung bago pa ang lahat ng ito para sayo, basahin ang aming gabay sa MetaMask para sa karagdagang impormasyon o para maghambing ng mga exchanges.

Paano magbenta ng SLP sa isang decentralized exchange o AMM

Maaari mong gamitin ang paraang ito upang mag-convert ng iyong SLP para maging ERC-20 token o stablecoin.

  1. Ilipat ang iyong SLP papuntang MetaMask. Ilipat ang iyong SLP papuntang MetaMask gamit ang mga instruksyong ito.
  2. Pumunta sa UniSwap platform. Pumunta sa UniSwap application at ikonekta ang iyong MetaMask wallet sa platform sa pamamagitan ng pag-click sa “Connect to a Wallet” na button na makikita sa bandang kanan ng screen, sa itaas. Pumili ng tamang wallet mula sa pagpipilian. Kumpirmahin at tanggapin ang mga dialogue boxes na iyong makikita pagbukas ng MetaMask browser extension.Picture not described
  3. Piliin ang trading pair na iyong ninanais. Sa pamamagitan ng mga dropdown boxes, piliin and “SLP” sa unang kahon na iyong makikita, at ang iyong napiling cryptocurrency sa pangalawa. Sa halimbawa sa ibaba, gamitin natin ang ETH.
    Picture not described
  4. Siguraduhing mayroon kang ETH sa iyong wallet. Para mabayaran mo ang mga transaction fees ng Uniswap, siguraduhing mayroon kang kaunting ETH sa iyong MetaMask wallet. Ang kabuuang halaga ng ETH na kailangan mo ay depende sa laki ng iyong transaksyon. Ngunit kadalasa’y maliit lamang ang halaga ng ETH na kailangan mo.
  5. Ipagpalit ang iyong mga tokens. Piliin ang “Swap” button para kumpirmahin ang iyong transaksyon gamit ang UniSwap at MetaMask. Pagkatapos ng maikling paghihintay, makikita mo na ang mga bagong tokens sa iyong MetaMask wallet. Maaari mo nang ilipat ang mga ito sa ibang platform o di kaya’y ipunin sa iyong wallet.
  6. Ipagpalit ang iyong mga tokens para sa sa pera (tulad ng PHP, USD, EUR atbp.). Kung gusto mong palitan ang iyong mga SLP tokens ng pera na bukod sa PHP, maaari mo nang magawa ito sa pamamagitan ng mga pangunahing crypto exchanges gamit ang iyong ETH. Maaari mong ilipat ang iyong mga ETH sa iyong exchange wallet address para ipagpalit ito sa nais mong pera.

          Paano magbenta ng Smooth Love Potion (SLP) kapalit ng Philippine pesos (PHP)

          Sinusuportahan ng Binance ang pagbebenta ng SLP kapalit ang Philippine pesos (PHP) sa pamamagitan ng peer-to-peer (P2P) marketplace nito kung saan kailangan mong makahanap ng isang indibidwal na bibili ng iyong SLP.

          Ang prosesong ito ay naiiba kung gagamit ka ng spot market, kung saan mayroong posibilidad na makatagpo ng tiwaling indibidwal na maaari kang dayain o i-scam. Siguraduhing alamin ang mga panganib ng trading bago ka sumabak dito.

            1. Gumawa ng MetaMask account. Kung hindi mo pa nagagawa, kailangan mong mag-download, install at gumawa ng Metamask account.
            2. Gumawa ng account sa isang exchange na sumusuporta sa SLP kagaya ng Binance. Karamihan sa mga users ay mayroon nang Binance account, at kung wala ka pa, siguraduhing gumawa ka ng account at i-verify ito bago magpatuloy sa susunod na hakbang.
            3. Pumunta sa Axie Infinity dashboard. Mag log in sa iyong SLP account at pumunta sa Axie Infinity dashboard. Kailangan mong i-“sync” ang iyong SLP upang masigurong mapupunta ang mga ito sa native Ronin wallet ng Axie Infinity.
            4. Ilipat ang iyong SLP sa MetaMask. Pagkatapos mong mag-“sync”, pumunta sa Ronin Bridge at piliin ang “Withdraw” upang mailipat ang iyong SLP sa nakakonektang MetaMask wallet.
            5. Puntahan ng iyong SLP wallet address sa Binance. Kung hindi ka pa marunong gumawa ng SLP wallet sa Binance, pumunta muna sa “Wallet” tab sa bandang kanan at itaas ng iyong screen.Picture not describedPindutin ang “Fiat and Spot” mula sa dropdown menu. Pagkatapos nito, piliin ang dilaw na “Deposit” button. Awtomatikong dadalhin ka nito sa “Deposit fiat” na page – na ayaw nating mangyari. Para malunasan ito, pumunta sa bandang kanan ng page, pindutin ang “Deposit crypto” na button. Dito mo maaaring ilagay ang tamang bilang ng coins na gusto mong ilipat at ang network para makagawa ng iyong sariling wallet address.
            6. Picture not describedIpadala ang MetaMask SLP. Kailangan mong ipadala ang SLP galing sa iyong MetaMask account papunta sa iyong Binance wallet. Para gawin ito, pindutin lamang ang “Send” sa iyong MetaMask browser extension at ilagay ang iyong Binance SLP wallet address sa “add recipient” na espasyo.
              Picture not described
            7. Ilipat ang mga assets mula sa iyong spot wallet papunta sa iyong P2P wallet. Bumalik sa Wallet tab sa Binance at pumunta sa “Overview” na parte ng dropdown menu. Piliin ang “Transfer” button sa itaas ng page, punan ng tamang impormasyon ang mga kahon, at siguraduhing piliin ang “P2P” bilang “transfer to” na opsyon.
            8. Pumunta sa Binance P2P. Ngayong nasa tamang Binance wallet na ang iyong SLP, pumunta sa Binance P2P at piliin ang “Sell” na opsyon.Picture not described
            9. Pumili ng iyong trading partner. Ilagay ang iyong napiling pera (noong isinulat ang artikulong ito, tanging PHP lamang ang nag-iisang opsyon), at piliin ang SLP mula sa mga hanay ng mga crypto sale na opsyon. Pumili ng trading partner at exchange rate na iyong ninanais. Suriing mabuti ang mga paraan ng pagbabayad na inyong napagkasunduan – maraming opsyon dito, kabilang na ang GCash at bank transfer. Suriin ding mabuti ang mga reviews at trading history ng napili mong trading partner. Bagamat nagbibigay ng bahagyang proteksyon ang Binance laban sa mga tiwaling indibidwal, mas makabubuti pa ring iwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pagpili ng tapat ng trader.
            10. Ibenta ang iyong SLP. Makipag-chat sa iyong napiling trading partner para isaayos ang inyong transaksyon. Ang nakatakdang halaga ay ipapadala sa iyo sa payment method na inyong napagkasunduan.

            Paano pumili ng pinakamahusay na paraan para magbenta ng SLP

            Ang pagpili sa pagitan ng pagbebenta ng SLP kapalit ng fiat o crypto ay hindi madaling desisyon.

            Walang tamang sagot sa tanong kung ano ang “pinakamahusay na paraan”, dahil depende ito sa ninanais mong resulta.

            Halimbawa, may mga indibidwal na nagnanais na ipagpalit ang kanilang mga SLP sa lokal na salapi. Para mangyari ito, kailangang magbenta ng SLP kapalit ng ibang crypto – at saka pa lamang maipagpapalit ito sa lokal na salapi. Mayroong mas pipiliin na ipagpalit ang SLP sa isang stablecoin gaya ng USDT o BUSD. Pinakamadaling gawin ito gamit ang isang centralized exchange.

            Mayroon din namang ayaw gumamit ng centralized exchanges, at mas pipiliin pa ang mga platform gaya ng Uniswap kung saan maaaring ipagpalit ang SLP sa kahit anong Ethereum ERC-20 token. Mayroong mga cryptocurrencies (gaya ng Ethereum) na maaaring ilagay sa liquidity o staking pools upang mas kumita sa pamamagitan ng DeFi, isang bagay na maaaring makaenganyo ng ilang may-ari ng SLP.

            At panghuli, importanteng isaalang alang ang mga kailangang bayaran sa paggamit ng mga paraang ito. Ang mga gumagamit ng Binance P2P para ipagpalit ang SLP sa PHP ay walang kailangang bayaran, ngunit sa paglipat ng SLP papunta sa Binance wallet ay maroong gas fee na kaakibat. Ang pakikipagpalit naman ng crypto sa Uniswap o kahit anong decentralized exchanges ay magbubunga ng mas mahal ng gas fee, kaya’t kailangan ng masusing pananaliksik para malaman kung alin ang mas makabubuti batay sa iyong trading volume.

            Kailan ang tamang paraan para magbenta ng SLP?

            Gaya ng ibang uri ng kapital, hindi madaling matukoy kung kailan ang pinakamagandang panahon para magbenta (o bumili). Madalas, depende ito sa iyong sitwasyon.

            Ang pinakamadaling paraan para malaman kung kailan ka magbebenta ng SLP ay ang pagkakaroon ng malinaw na layunin. Halimbawa, kung gusto mong mabilis na makuha ang iyong pera para gastusin sa anumang bagay (gaya ng bakasyon), mas mabuting magbenta ng SLP sa kahit anong halaga para makamit ang layuning ito.

            Isa pang halimbawa ay kung mayroon kang iniisip na diskarte sa pamumuhunan na kabilang ang isa pang cryptocurrency na sa tingin mo ay tataas pa ang halaga. O di kaya naman ay gusto mong mag-trade ng isa pang crypto para makakuha ng rewards sa pamamagitan ng staking.

            Sa parehong pagkakataon, ang pinakamagandang panahon para magbenta ay kung kailan ka pinakahanda. Ang pagkakaroon ng malinaw na plano sa iyong SLP assets ay malaki ang maitutulong para makaiwas ka sa stress at hirap sa paghahanap ng tamang panahon para magbenta.

            Frequently asked questions

            Paunawa: Ang mga cryptocurrencies ay puno ng spekulasyon, komplikado at mayroong kaakibat na malaking panganib – pabago-bago ito at sensitibo sa mga galaw ng merkado. Mahirap matukoy ang galaw ng mga ito at walang garantiyang ang dating galaw nito ay magsisilbing basehan para madetermina ng galaw nito sa darating pang panahon. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon, at maghanap ng magpapayo, bago sundin ang impormasyon dito. Nararapat mo ring beripikahin ang mga produkto at serbisyo (pati na rin ang ligal na estado at mga regulasyon) at kumunsulta sa websites ng mga kinauukulan bago gumawa ng kahit anong desisyon. Ang Finder, o ang may akda, ay maaaring may pag-aaring cryptocurrencies na tinalakay sa page na ito.

            More guides on Finder

            Ask an Expert

            You are about to post a question on finder.com:

            • Do not enter personal information (eg. surname, phone number, bank details) as your question will be made public
            • finder.com is a financial comparison and information service, not a bank or product provider
            • We cannot provide you with personal advice or recommendations
            • Your answer might already be waiting – check previous questions below to see if yours has already been asked

            Finder.com provides guides and information on a range of products and services. Because our content is not financial advice, we suggest talking with a professional before you make any decision.

            By submitting your comment or question, you agree to our Privacy Policy and Terms.

            Questions and responses on finder.com are not provided, paid for or otherwise endorsed by any bank or brand. These banks and brands are not responsible for ensuring that comments are answered or accurate.
            Go to site