GoBear is now part of Finder

Ang artikulong ito ay mayroong mga links sa mga produkto at serbisyo mula sa isa o ilang mga advertisers. Maaari kaming kumita ng kumisyon kapag ikaw ay nag click sa mga links o bumili ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng aming website. Alamin kung paano kami kumikita ng pera.

Gabay sa Axie Infinity: Paano maglaro at kumita

Ang blockchain game kung saan maaari kang maglaro para kumita ng pera.

Ang Axie Infinity ay isang blockchain-based na laro sa komputer na kamakailan lamang ay nagsimulang gumamit ng non-fungible token (NFT). Inilunsad noon 2018 sa Ethereum blockchain, ang Axie Infinity ay larong base sa Pokemon RPG (Role Playing Game) kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipaglaban, mangolekta at magparami ng mga alagang tinatawag na “Axies”.

Habang ang Axie Infinity ay sikat na sikat bilang laro, ang pagkakaroon nito ng makabagong interaksyon sa blockchain na teknolohiya ay talaga namang nakamamangha. Ginamit ng Sky Mavis, ang kumpanyang gumawa sa Axie Infinity, ang blockchain upang bumuo ng disenyo kung saan ang mga manlalaro ay maaaring gantimpalaan sa paglalaro. Ang tawag dito, ayon sa Axie Team, ay “play to earn”.

Paunawa: Ang impormasyong ito ay hindi dapat ituring na pag-endorso sa cryptocurrency o anumang provider, serbisyo o alok. Ito ay hindi rekomendasyon para makipag palitan ng cryptocurrency.

Maraming naeenganyo sa larong ito dahil na rin sa layunin nitong pagsamahin ang pagkita at paglalaro. Nais ng larong ito na lalo pang ipakilala ang blockchain technology sa mas maraming tao. Ito ay naging isang malaking tagumpay dahil na rin sa mga naunang manlalarong kumita ng malalaking halaga sa pamamagitan ng paglalaro.

Ayon sa mga documento galing sa Axie Infinity, nagkaroon na ng kabuuang kita ang larong ito ng mahigit sa 13,000 ETH (US$16 milyon). Ito rin ang kasalukuyang numero unong larong kompyuter na base sa Ethereum.

Sa gabay na ito, susuriin natin kung ano ang Axie, paano gumagana ang sistema ng Axie Infinity, paano ka kikita ng pera, at ang pinaka importante, paano magsimula.

Ano ang Axie?

Ang Axie ay isang hugis itlog na na nilalang na maaaring alagaan, baguhin ang mga katangian at sanayin base sa kagustuhan ng manlalaro. Maaaring gamitin ang mga Axie sa pakikipaglaban sa mga halimaw sa Axie Infinity Adventure Mode o sa ibang mga manlalaro sa Arena ng larong ito. Sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng Axies, maaaring umani ang manlalaro ng rewards na mayroong halaga sa merkado.

Ang bawat Axie ay natatangi at kinakatawan ng isang non-fungible token (NFT). Upang makapagsimulang maglaro ng Axie Infinity, ang bawat manlalaro ay kailagang bumili ng 3 Axies. Ang mga ito ang bubuo ng isang koponan sa laro. Maaaring makabili ng Axies sa Axie Marketplace.

Basahin

Ang non-fungible tokens (NFTs) ay mga tokens na base sa Ethereum na nagpapatunay ng pag-aari sa mga natatanging collectables. Simula ng inilunsad ito noong 2017, ginagamit ang mga ito bilang pagpapatunay ng pag-aari sa iba’t ibang mga bagay tulad ng digital art, musika at aksesorya sa laro gaya ng Axies. Di tulad ng pera o cryptocurrencies, ang mga NFTs ay natatangi dahil walang dalawang tulad nito ang magkatulad. Bawat isa ay mayroong sariling halaga kaya’t hindi sila maaaring ipagpalit ng diretso. Ang US$1 ay maaaring ipagpalit sa US$1, ngunit ang isang NFT ay hindi maaaring ipagpalit sa pang NFT. Ang pag-aari ng NFTs ay nasusubaybayan ng Ethereum blockchain.

Mga klase ng Axie

Kapag pumipili ng Axie team, mahalagang alalahaning hindi lahat ng Axies ay nilikhang magkakapantay. Bawat Axie ay nabibilang sa isa sa 9 na iba’t ibang klase. Kabilang sa mga klaseng ito ang mga sumusunod: Dusk, Beast, Bug, Mech, Aqua, Reptile, Plant, Bird at Dawn.

Bawat klase ng Axie ay may kanya-kanyang likas na katibayan at kahinaan. Kagaya ng mga kategorya sa Pokemon, ang isang klase ay maaaring maging epektibo o hindi sa pakikipaglaban sa iba.

Mga parte ng katawan ng Axie

Dagdag pa sa mga klase, ang mga Axies ay maaaring baguhin sa pamamagitan ng parte ng katawan. Ang isang Axie ay mayroon 6 na parte ng katawan na maaaring baguhin. Ang mga ito ay ang mata, tenga, sungay, bibig, likod at buntot.

Bawat parte ng katawan ay may kaugnay na partikular na klase, ibig sabihin, maaaring magkaroon ito ng karagdagang abilidad sa pamamagitan ng pagsasama ng parte ng katawan sa ilang partikular na klase.

Kaugnay nito, kahit anong kombinasyon ng parte ng katawan ay maaaring isama sa kahit anong klase. Ito ay nagbibigay daan sa pagkakaroon ng maraming klase ng konpigurasyon at nagsisigurado na lahat ng Axies ay natatangi.

Axie stats

Ang lakas, pagiging epektibo at kapakanan ng isang Axie ay nasusukat sa pamamagitan ng Axie stats. Ang mga stats ay nakadepende sa klase at parte ng katawan na pinili ng manlalaro. Ang stats ay binubuo ng 4 na bagay:

  • Kalusugan. Ito ay kumakatawan sa hit points (HP), na nagdedetermina ng dami ng pinsala na kayang tanggapin ng isang Axie bago ito ma knock out.
  • Kakayahan. Mas mataas na kakayahan o skill level, mas maraming pinsala ang kayang ibigay ng isang Axie sa kanyang kalaban. Dagdagan pa nito ang pagkakaroon ng combo moves.
  • Bilis. Ang bilis ng isang Axie ay magdedetermina kung gaano kadalas itong umatake sa kalaban. Kung mas mabilis ang isang Axie, mas malaki ang posibilidad na una itong aatake.
  • Moral. Ang antas ng moral ay magdedetermina sa abilidad ng isang Axie na magbigay ng kritikal na tama sa kalaban. Kung sila mismo ang mapunta sa kritikal na kalagayan, ang moral ang magdedetermina kung gaano karami ang “last chance” na galaw ang maaaring ibigay sa kanila.

Mga abilidad ng Axie

Ang lahat ng Axies ay may 4 na iba’t ibang abilidad. Ito ay ang mga galaw na kayang gawin ng isang Axie sa laban. Bawat galaw ay kinakatawan ng isang kard. Maaaring madetermina ang 4 na abilidad sa pamamagitan ng pagpili ng manlalaro ng iba’t ibang kombinasyon ng klase at parte ng katawan ng Axie.

May mga iba’t ibang klase ng abilidad, mula sa pag-atake na maaaring makapinsala sa kalaban, pati na rin pag depensa, na nakakatulong sa pagrekober o pagtakas. Mayroong 132 na kards (galaw) sa isang laro.

Paano kumita ng pera sa paglalaro ng Axie Infinity

Sa mundo ng Axie Infinity, mayroong 2 paraan para kumita ng pera ang mga manlalaro. Ang una ay sa paglalaro at pagkakaroon ng Smooth Love Potions o SLPs. Ang pangalawa naman ay ang pagpapadami at pagbebenta ng Axies.

Smooth Love Potions (SLPs)

Ang SLPs ay mga rewards na maaaring kolektahin ng mga manlalaro sa pamamagitan lamang ng paglalaro ng Axie Infinity. Ito ang pinakamadaling paraan para kumita ng pera sa larong ito. Maaaring kumita dito sa pamamagitan ng pag kumpleto ng mga pagsubok o mga laban. Kapag nakaipon na ng SLPs, maaari nang ibenta ang mga ito kapalit ng pera.

Bawat SLP ay kinakatawan ng isang ERC-20 token, na maaaring i-trade at ipagpalit sa Ethereum blockchain. Bawat token ay may halaga sa pera kapalit ng pagpapadami ng Axies sa loob ng laro. Ang mga manlalarong nais magpadami ng Axies ay nangangailangan ng sapat na dami ng SLPs para sa prosesong ito. Ito ang nagbibigay sa mga SLPs ng tunay na halaga.

Tanda: Ang mga SLPs ay maaari lamang ma-withdraw sa platform pagkatapos ng 14 na araw. Ito ay upang maiwasan ang mga paggalaw tulad ng bots at iba pang malisyosong gawain.

Sa Axie Infinity, ang mga SLPs ay maaaring kitain sa:

  • Adventure Mode. Ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng SLPs sa pamamagitan ng paglaban sa mga halimaw sa adventure mode. Maaari ring makakuha ang mga Axies na experience points (EXP) para makaangat sa susunod na lebel. Ang lebel ng isang Axie ang magdedetermina kung gaano karaming SLPs ang mapapanalunan pagkatapos ng bawat labanan. Ang pinakamaraming SLPs na maaaring mapanalunan sa Adventure mode kada araw ay 100.
  • Arena. Ang Arena ay isang multi-player platform kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makipaglaban sa isa’t isa. Makakakuha ng SLPs sa pamamagitan ng pagtalo sa kalaban. Kailangan ng bawat manlalarong pataasin ang kanilang matchmaking ranking (MMR) upang makakuha ng mas maraming SLPs sa bawat pagkapanalo. Walang limitasyon sa kung gaano karaming SLPs ang maaaring makuha sa Arena mode.
  • Daily quests. May mga pagsubok na nakahanda sa platform bilang insentibo sa mga manlalaro para tuloy tuloy na maglaro. Kabilang na dito ang pagkapanalo ng takdang dami ng laban kada araw o pag-log in sa laro isang beses kada araw sa takdang dami ng araw.

Pagpapadami ng Axies

Tulad ng unang nabanggit, ang pagpapadami at pagbebenta ng Axies ay ang pangalawang paraan kung paano maaaring kumita ng pera ang mga manlalaro sa Axie Infinity.

Sa pamamagitan ng pagpapalahi ng 2 Axies, isang batang Axie ang mabubuo. Nangangailangan ng SLPs tuwing ginagamit ang Axie upang magpalahi o magpadami. Ang mga SLPs na ito ay sinusunog na pagkatapos gamitin. Ang dami ng SLPs na kailangan ay tumataas kasabay ng dami ng beses na ginamit ang magulang na Axie upang magpalahi. Ang isang Axie ay maaaring magpalahi ng hanggang 7 beses lamang.

Ang bawat Axie na nalilikha ay nagkakaroon ng panibagong taglay na stats at abilidad. Dahil dito, maaari silang maging mahalagang bahagi ng koleksyon ng manlalaro. Ang mga bagong Axies ay maaaring manatili sa koponan ng manlalaro o di kaya’y ibenta sa ibang manlalaro. Tandaan, ang bawat Axie ay kinakatawan ng isang NFT, at dahil dito, sila ay maaaring ipagpalit o i-trade sa Ethereum blockchain.

Axie Infinity combat

Ang sistema ng labanan sa Axie Infinity ay base sa turn-based na laro ng kards. Gaya ng unang nabanggit, ang bawat galaw ng Axie ay nakaugnay sa isang kard, na nangangailangan ng nakalaang dami ng enerhiya upang makapaglaro. Kapag naubos na ang lebel ng enerhiya, kailangang hintayin ng manlalaro ang kanilang Axie na maka recharge bago makagalaw muli.

Ang bawat klase ng Axie ay may taglay na lakas at kahinaan na maaaring gamitin kapag nakikipaglaban. Kailangang magdesisyon ng isang manlalaro kung aling Axie at kung anong galaw ang dapat gamitin sa isang kalaban.

Ano ang Axie Infinity Shards (AXS)?

Ang Axie Infinity Shards, o AXS, ay ang native governance tokens para sa Axie Infinity platform. Inilunsad noong Nobyembre 2020, pinapayagan nito ang bawat token holder na bumoto sa mga isyu tulad ng pagpapalawig ng platform o ang pamamahagi ng mga pondo. Nais ng Axie Infinity na sa hinaharap ay maging ganap na decentralized na organisasyon na pinapamahalaan lamang ng mga manlalaro nito.

Ang AXS token ay importante din para sa Community Treasury. Ang Community Treasury ay nangongolekta ng 100% ng lahat ng mga bayad sa mga transaksyon na nagaganap sa platform. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa ecosystem, maaaring makakuha ang mga may-ari ng AXS tokens ng parte nila sa mga bayad sa transaksyon na nakolekta. Ito ay nagsisilbing insentibo para mapalawig ang suporta ng komunidad at lalo pang mapalaki ang Axie Infinity ecosystem.

Ayon sa website ng Axie, ang AXS ay maaaring kitain sa loob mismo ng laro, ngunit ang totoong play-to-earn na potensyal nito ay hindi pa maaaring magamit.

Gaya ng Smooth Love Potions (SLPs), ang AXSs ay mga ERC-20 na tokens. Ngunit habang ang mga SLPs ay walang limitasyon sa dami at madalas na magbago ang dami depende sa dami ng mga manlalaro, ang circulating supply ng AXS ay nakapako sa 270 milyon.

Saan maaaring bumili ng AXS sa Pilipinas

Name Product Deposit methods Fiat Currencies Cryptocurrencies
Binance Cryptocurrency Exchange
Bank transfer (ACH)
USD, AUD, GBP, EUR, RUB, TRY, NGN, UAH, PHP, CZK & 20+ more

314
cryptocurrencies

New users earn up to USD $500 in bonus rewards on qualified deposits and trades. Valid till 31 December 2021. T&Cs apply.
Finder Exclusive: Get 10% discount on your fees when signing up through Finder.
Trade an extensive range of reputable coins on this world-renowned exchange, popular for its high liquidity and multi-language support.

US residents: As of September 2019, US-based users can only trade USD on the American dollar onramp of Binance, Binance.US.
UK residents: In addition to normal crypto trading services, Binance offers margin lending. As this is a regulated activity which they are not authorised to offer in the UK, we advise you not to use this service. If you're interested in margin trading, see authorised providers.
Crypto.com App
Credit card, Cryptocurrency, PayPal, TransferWise, SEPA
USD, AUD, CAD, CHF, EUR, GBP, NZD, SGD, JPY, ZAR & 9+ more

156
cryptocurrencies

Buy 100+ cryptocurrencies, earn up to 14.5% p.a. on holdings, pay with your crypto for cashback at stores, get loans and more with this complete crypto-finance platform.
KuCoin Cryptocurrency Exchange
Cryptocurrency, PayPal, Wire transfer, Credit or Debit Card, SEPA
USD, EUR, GBP, RUB, CNY, AUD, KRW, JPY, TRY, VND & 40+ more

458
cryptocurrencies

Finder exclusive: Sign up and use code 1xf56 for one month of VIP 1 benefits. Deposit/transfer more than 0.1 BTC to KuCoin within 7 days of registration for 1 month of VIP 2 benefits. T&Cs apply.
Browse a variety of coin offerings in one of the largest multi-cryptocurrency exchanges and pay in cryptocurrency.
Gemini Cryptocurrency Exchange
Bank transfer (ACH), Debit card, Wire transfer
USD, SGD, HKD, GBP, EUR, CAD, AUD, COP

63
cryptocurrencies

Trade bitcoin, Ethereum and more at a US-based exchange where payments can be made in USD.
Gate.io Cryptocurrency Exchange
Cryptocurrency
USD, EUR, GBP, HKD, SGD, AUD, CHF, MXN

870
cryptocurrencies

Finder exclusive: New users get $90 worth of Gate.IO points and an airdrop of $5 in GateTokens if trade volume exceeds $100 in their first week. T&Cs apply.
A feature-rich exchange with over 700 tokens including derivatives, yield farming and lending products.
AAX Cryptocurrency Exchange
AAX Cryptocurrency Exchange
Alipay, Bank transfer, Cash, Neteller, PayPal, Qiwi, SWIFT, WeChat, Western Union, UPI, IMPS, Paytm, Faster Payments (FPS), PayNow, Swish, Payme
AUD, CAD, CNH, CHF, EUR, GBP, HKD, NZD, SGD, USD

110
cryptocurrencies

Make fast transactions including spot, futures and P2P trading with this cryptocurrency exchange.
Paybis Cryptocurrency Exchange
Bank transfer, Credit card, Cryptocurrency, Neteller, Skrill, Apple Pay
EUR, GBP, USD, AUD, CAD, PHP, SGD, CHF, HKD, JPY & 30+ more

32
cryptocurrencies

Buy Bitcoin and other popular cryptocurrencies with credit card or debit card on this digital cryptocurrency exchange.

US residents: Restricted in the following states - NY, CT, NM, WA, HI, AL, VT, FL, AK, NV.
Bitfinex Professional Trading Exchange
Credit card, Cryptocurrency, Bank Wire
USD, EUR, GBP, JPY

171
cryptocurrencies

Cryptocurrencies are a highly volatile investment product. Your capital is at risk.
Spot trade all of the major cryptos on this full-featured exchange and margin trading platform.
OKEx Cryptocurrency Exchange
Bank transfer, Cryptocurrency, iDEAL, PayPal, POLi, SEPA, Faster Payments (FPS)
USD, CNY, EUR, ARS, AUD, BGN, BRL, CAD, CHF, COP & 20+ more

281
cryptocurrencies

Promo: Earn US$10 in BTC when you refer a friend and they purchase $100 of cryptocurrency. T&Cs apply.
Listing over 100 cryptocurrencies, OKEx offers its users a variety of payment methods and coins to choose from.
Coinbase Digital Currency Exchange
Bank transfer (ACH), Credit card, Debit card, PayPal, Bank transfer (SEPA)
USD, EUR, GBP, CAD, MXN, HRK, CZK, DKK, CLP, BGN & 10+ more

75
cryptocurrencies

Buy and sell major cryptocurrencies on one of the world's most renowned cryptocurrency exchanges.
Bithumb Cryptocurrency Exchange
Cryptocurrency
KRW

197
cryptocurrencies

A global platform where users can make KRW and cryptocurrency deposits to purchase up to 15 popular cryptocurrencies.
Bitstamp Cryptocurrency Exchange
Bank transfer, Cryptocurrency, Credit or Debit Card, SEPA, Faster Payments (FPS)
USD, EUR, GBP

40
cryptocurrencies

A global cryptocurrency exchange that facilitates crypto to fiat transactions, where you can use EUR or USD to buy bitcoin and popular altcoins.
loading

Compare up to 4 providers

Paano mag download at maglaro ng Axie Infinity

Upang makapagsimulang maglaro ng Axie Infinity, kailangang magkaroon ang isang manlalaro ng Web 3.0 na wallet tulad ng MetaMask. Gagamitin ang cryptocurrency na wallet na ito para gumawa ng Axie Infinity account, at para na rin makuha ang mga rewards galing sa laro.

Ang mga hakbang na nakasulat sa ibaba ay para sa desktop na bersyon ng laro, ngunit maari ring gayahin para sa bersyon sa mobile.

Ang mga sumusunod na hakbang ay naggagabay kung paano magsimula:

Hakbang 1. Metamask wallet

I-download ang MetaMask cryptocurrency wallet at maghulog ng Ether (ETH) dito. Ang Ether ang cryptocurrency na nakaugnay sa Ethereum blockchain at kailangan para makabili ng Axies. Para sa karagdagang detalye tungkol sa MetaMask, basahin ang aming masusing gabay dito.

Picture not described

Hakbang 2. Gumawa ng Axie Infinity account

Pumunta sa Axie Marketplace page at pindutin ang “Login”. Piliin ang “Login with MetaMask”. Sundin ang mga hakbang sa loob ng iyong MetaMask wallet. Pagkatapos mong sundin ang mga hakbang, magagawa na ang iyong Axie Infinity account. Pagbalik sa website, kailangan mong maglagay ng username. Pumili ng username na personal na nais mo.

Sa gitna ng sumusunod na dashboard, kailangan mong maglagay ng email at gumawa ng password.

Picture not described

Hakbang 3. Ronin wallet

Ang Ronin wallet ay nilikha ng Sky Mavis para sa interaksyon sa larong Axie Infinity sa pamamagitan ng Ronin sidechain. Ang Ronin sidechain ay ginawa para lamang sa mga laro sa blockchain. Ibig sabihin nito, maaaring maiwasan ng mga manlalaro ang mahal na bayad sa transaksyon na kaakibat ng Ethereum blockchain. Kagaya ng MetaMask, ang Ronin wallet ay isang browser extension. I-download ang Ronin wallet dito.

Pagkatapos i-download and ma-install, ikonekta ang wallet sa iyong Axie Infinity account sa pamamagitan ng dashboard.

Picture not described

Hakbang 4. Ronin Bridge

Ilipat ang ETH mula sa iyong MetaMask wallet papunta sa iyong Ronin wallet gamit ang Ronin Bridge platform.

Tandaan: Maaaring bumili ng ETH mula sa iyong Ronin wallet gamit ang Ramp Network (hindi lahat ng bansa ay mayroon nito).

Picture not described

Hakbang 5

Pagkatapos mong mag-deposit ng Ethereum sa iyong Ronin wallet, pumunta sa Axie Marketplace. Ito ang dashboard kung saan maaaring ipagpalit ang ETH para sa Axie NFTs. Mag log in sa platform gamit ang iyong Ronin wallet. Piliin ang iyong Axies at bilhin gamit ang ETH. Pagkatapos mong bilhin, may matatanggap kang NFT na nagpapatunay ng pag-aari. Ang halaga ng bawat Axie ay depende sa halaga ng ETH sa oras ng itong pagbili.

Picture not described

Hakbang 6

Sumunod, kailangan mong i-download at i-install ang Axie infinity desktop application. Pumunta sa Axie Infinity homepage at pindutin ang “Play Now” sa bandang kanan at itaas ng iyong screen. I-download at i-install ang application.

Picture not described

Hakbang 7

Pagkatapos i-install ang Axie Infinity, kailangan mong ilagay ang mga detalye ng iyong Axie Infinity account na ginawa mo. Ang mga Axies na binili mo gamit ang iyong Ronin wallet ay awtomatikong makikita sa loob ng laro. Ngayon, ikaw at ang iyong Axies ay handa nang maglaro sa Axie Infinity universe!

Konklusyon

Ang Axie Infinity ay tunay na makabagong laro na nakuha ang pinakamahusay na katangian ng RPG classics at naipagsama ang mga ito sa blockchain-based economic ecosystem. Ang posibilidad ng pagkita habang naglalaro ay talaga namang pumukaw sa maraming tagahanga. Napatunayan ng larong ito na hindi lamang malaking kita ang maaaring makuha dito. Ito rin ay kapaki-pakinabang na gamit edukasyonal para sa mga baguhan sa NFTs at blockchain technology.

Ang suplay at pangangailangan sa utility token ng larong ito, ang SLP, ay parehong maayos at makabago. Kaakibat ng pagsulong ng AXS governance token at paggalaw tungo sa desentralisasyon, ang Axie Infinity ay tunay na isang nakapupukaw na gaming platform na siguradong malaki ang potensyal sa hinaharap.

Interesado ka ba sa cryptocurrency? Alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito sa aming gabay para sa mga baguhan sa Bitcoin, alamin kung ano ang Ethereum at tingnan kung anu-ano ang mga maaaring gawin ng blockchain sa aming simpleng gabay sa DeFi.

Paunawa: Ang mga cryptocurrencies ay puno ng spekulasyon, komplikado at mayroong kaakibat na malaking panganib – pabago-bago ito at sensitibo sa mga galaw ng merkado. Mahirap matukoy ang galaw ng mga ito at walang garantiyang ang dating galaw nito ay magsisilbing basehan para madetermina ng galaw nito sa darating pang panahon. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon, at maghanap ng magpapayo, bago sundin ang impormasyon dito. Nararapat mo ring beripikahin ang mga produkto at serbisyo (pati na rin ang ligal na estado at mga regulasyon) at kumunsulta sa websites ng mga kinauukulan bago gumawa ng kahit anong desisyon. Ang Finder, o ang may akda, ay maaaring may pag-aaring cryptocurrencies na tinalakay sa page na ito.

More guides on Finder

Ask an Expert

You are about to post a question on finder.com:

  • Do not enter personal information (eg. surname, phone number, bank details) as your question will be made public
  • finder.com is a financial comparison and information service, not a bank or product provider
  • We cannot provide you with personal advice or recommendations
  • Your answer might already be waiting – check previous questions below to see if yours has already been asked

Finder.com provides guides and information on a range of products and services. Because our content is not financial advice, we suggest talking with a professional before you make any decision.

By submitting your comment or question, you agree to our Privacy Policy and Terms.

Questions and responses on finder.com are not provided, paid for or otherwise endorsed by any bank or brand. These banks and brands are not responsible for ensuring that comments are answered or accurate.
Go to site